Saturday, 29 October 2022

Neri Naig Miranda nagbukas ng bank account para sa kanyang anak! Future nila secure na. Wise na Nanay

Neri Naig Miranda nagbukas ng bank account para sa kanyang anak! Future nila secure na. Wise na Nanay

Ayon kay Neri...


" Nalagay na namin ang money ni Cash sa banko! Salamat sa lahat ng napakagenerous ninongs and ninangs ni Cashypie 🤗❤️


At nakakuha na rin ako ng 2 insurance si Cash. Isa pang stocks at isa life insurance. Para kapag seniors na sila, di sila maghihintay ng ibibigay ng mga magiging anak nila.. kukunin na lang nila sa insurance nila. O di ba? Sobrang advance ako mag isip? Hanggang sa pagiging senior nila, gusto ko naka ayos na 😅 WAIS eh! 🤣 at ituturo ko rin sa mga anak namin na ganun din ang gagawin para sa mga anak nila para mas panatag sila na magiging ok ang kinabukasan ng mga bata.


At gusto ko rin magpasalamat sa Moose Gear Baby Family dahil sa tf ni Cash ko kinuha yung panglagay sa insurance niya. ❤️


Kung ano man ang kinikita ng mga bata, hinahati ko. Nilalagay ko sa banko nila, inihuhulog ko sa insurance nila, at iniinvest ko sa property o negosyo. Para income generating, may property na rin, at insured sila. Inaayos ko na talaga yung future ng mga bata. Ayun ang trabaho nating mga magulang, ang siguraduhin magiging maayos sila hanggang sa pagtanda. Wag na wag natin iisipin na kesyo pinag aral natin sila ay sila na ang bahala sa atin sa pagtanda. Hayaan natin silang mag grow at mahanap nila yung buhay na gusto nila. Andito lang dapat tayo anytime na kakailanganin nila tayo, to love and guide them. At unang unang taga suporta sa kanila. ❤️


P.S. hindi po ako nagbebenta ng insurance 😅 (*AHEM* BANK OR INSURANCE COMPANY... BAKA NAMAN 😅✌️) pero you can ask your bank kung ano ang pinakamagandang insurance para sa pamilya. At kung ano ang kaya lamang. Magpa quote na lang kayo. At pag isipan nyong mabuti kung anong insurance ang kaya at mapapakinabangan ng bawat isa in the future. "


Sa lahat ng makakabasa nitong nanay at tatay sana maging inspirasyon sainyo si Neri para gawin din at siguraduhin maging secure ang future  ng inyong mga anak. 





No comments:

Post a Comment